Cotabato – Tinatayang nasa Php715,000 halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nasabat ng mga awtoridad sa isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation sa Prk. 3, Brgy. Kilada, Matalam, North Cotabato nito lamang Enero 10, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang naarestong HVI na si alyas “Jun”, 32, at residente ng Brgy. Poblacion, Datu Piang, Maguindanao del Sur.
Ayon kay PBGen Jimili Macaraeg, kumagat ang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 12 na siyang nagresulta sa pagkakaaresto nito at pagkakarekober ng higit-kumulang 105 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php715,000.
Maliban dito, narekober pa mula sa pag-iingat ng suspek ang buy-bust money at iba pang non-drug item.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isininampang reklamo laban sa naturang indibidwal.
Giit naman ni PBGen Macaraeg na patuloy ang pagsisikap ng ating kapulisan para mapanatili ang kaayusan ng komunidad sa pamamagitan ng pagtanggal sa banta ng ilegal na droga na siyang pangunahing ugat at sanhi ng kriminalidad.
Panulat ni Patrolwoman Emelou F Pedroso