Tinatayang Php714,000 halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng operatiba ng ParaƱaque City Police Station nito lamang Sabado, Oktubre 19, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Jacob”, 23 taong gulang, na nakalista bilang HVI pusher, alyas “Roman”, 24 taong gulang, at alyas “Jamie”, 18 taong gulang.
Naganap ang buy-bust operation dakong 3:30 ng hapon sa San Juan De Coastal, Barangay San Dionisio, ParaƱaque City sa pangunguna ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng istasyon na nagresulta sa pagkakarekober ng humigit-kumulang 105 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang Php714,000, isang cellphone at coin purse.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang āComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002ā.
Pinuri ni PBGen Yang ang pinaigting na pagsusumikap laban sa ilegal na droga ng ParaƱaque PNP upang mapanatili ang ligtas at payapang bansa.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos