Nasabat ang tinatayang Php714,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa tinaguriang Top 10 Regional Priority High Value Individual sa isinagawang joint buy-bust operation sa pangunguna ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 11 sa Purok 15, HRC Compound, Barangay Madaum, Tagum City, Davao del Norte nito lamang Marso 14, 2025.
Kinilala ni Police Major Maynard D Pascual, Hepe ng RPDEU 11, ang suspek na si alyas “Sittie”, 38 anyos mula sa Purok 7, Barangay Illana, Kapatagan, Lanao del Sur.
Nakuha mula sa suspek ang humigit kumulang 105 gramo ng hinihinalang shabu at iba pang non-drug evidence at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang tagumpay ng operasyon na ito ay patunay ng walang-sawang pagsisikap ng mga kawani ng Police Regional Office 11 na isulong ang kaayusan sa Davao Region na makakamit lamang sa suporta sa mga operasyon at programa ng kapulisan para sa mga Dabawenyo.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino