Tinatayang nasa Php714,000 halaga ng shabu ang nasabat ng pulisya mula sa naarestong High Value Individual na drug suspek sa isang buy-bust operation sa Brgy. Cudian Ivisan, Capiz nito lamang ika-12 ng Enero 2023.
Kinilala ni Police Major Lumyae Lidawan, Hepe ng PPDEU-Capiz ang naarestong suspek na si alyas “Bading Jablo”, residente ng Brgy. Cudian Ivisan, Capiz at nakatala bilang High Value Individual (HVI).
Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng mga operatiba ng Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU) kasama ang Ivisan Municipal Police Station at Regional Intelligence Unit 6 (RIU6).

Ayon kay Police Major Lidawan, naaresto ang suspek sa aktong pagbebenta ng kabuuang 105 gramo ng shabu na may estimated market value na Php714,000 sa isang pulis na nagpanggap na posuer buyer.
Bukod sa droga, narekober din sa operasyon ang isang (1) puting Yamaha sniper na walang plaka at iba pang non-drug related items.
Nakakulong na ang naarestong personalidad sa himpilan ng Ivisan Municipal Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita lamang ng di-mabilang na dedikasyon ng kapulisan sa pagpuksa sa ilegal droga.