Bukidnon – Tinatayang nasa Php707,200 halaga ng shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation ng Kalilangan Municipal Police Station at Bukidnon Provincial Intelligence Unit sa isang High Value Individual (HVI) sa P-1, Brgy. West Poblacion, Kalilangan, Bukidnon nito lamang ika-15 ng Agosto 2023.
Kinilala ni Police Major Christian Serdeña, Hepe ng Kalilangan Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Johnmar”, 38, assistant CCTV installer, at residente ng Brgy. Bongabong, Pantucan, Davao de Oro na tinaguriang High Value Individual.
Nakuha mula sa suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 104 na gramo na nagkakahalaga ng Php707,200, isang cellphone, isang spyder sunglass, isang brown paper bag, Php2,015 bill, at isang unit ng White Honda fit hatchback na may Plate No. FJA 789.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang Bukidnon PNP sa kampanya kontra ilegal na droga para sa mas maayos at ligtas na pamayanan sa Hilagang Mindanao.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10