Benguet – Tinatayang Php7,912,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga awtoridad sa 10 magkakahiwalay na plantasyon sa isinagawang tatlong araw na Marijuana Eradication Operations sa Sitio Batangan, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang ika-24 hanggang 26 ng Pebrero 2023.
Ayon kay Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang nasabing operasyon sa pagsisikap ng mga tauhan ng Kibungan Municipal Police Station kasama ang Benguet PEU/PIU, PDEA RESET at PDEA Baguio/Benguet.
Sa kabuuan ay nasa 12,560 piraso ng fully grown marijuana plants na may kabuuang halaga na Php7,912,000 ang binunot at sinunog ng mga operatiba.
Samantala, wala namang nahuling cultivator ngunit patuloy ang Benguet PNP at PDEA sa kanilang kampanya kontra ilegal na droga upang mahuli at mapanagot sa batas ang mga indibidwal na nagtatanim ng marijuana.