Sadanga, Mt. Province – Tinatayang Php7,713,960 halaga ng marijuana ang nasabat sa dalawang indibidwal sa Sitio Ampawilen, Brgy. Poblacion, Sadanga, Mt. Province, nito lamang Martes, Setyembre 13, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Mafelino Bazar, Regional Director, Police Regional Office Cordillera, ang dalawang suspek na sina Eliseo IV San Pedro Quiambao, 23 at John Cedric Gadia, 21, pawang residente ng Quezon City.
Ayon kay PBGen Bazar, naaresto ang dalawang suspek ng mga pinagsanib na pwersa ng Sadanga Municipal Police Station, 2nd Mt. Province Provincial Mobile Force Company at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Mt. Province.
Naharang ang isang Toyota Vios sa established Border Control Checkpoint na nagresulta sa pagkakadiskubre ng tatlong sako na naglalaman ng 67 na dried marijuana bricks, na may kabuuang timbang na 64.283 kilos at tinatayang nagkakahalaga ng Php7,713,960.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinisiguro ng Mt. Province PNP na makakaasa ang mga mamamayan na tuloy-tuloy ang pagsugpo sa ilegal na droga at mapanagot sa batas ang mga sangkot dito upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.
Source: PROCOR PIO
Panulat ni Patrolman Raffin Jude Suaya