Friday, September 13, 2024

Php7.6M halaga ng shabu nasabat ng NCRPO

Nasabat ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula sa isang suspek ang tinatayang mahigit sa Php7.6 milyong halaga ng shabu sa Sampaloc, Maynila nito lamang Biyernes, Hulyo 12, 2024.

Kinilala ni Polie Major General Jose Melencio C Nartatez Jr, Regional Director ng NCRPO, ang suspek na si alyas “Brown”, 33 anyos, na nadakip sa kanyang tirahan sa Barangay 484, Zone 48, Sampaloc, Manila.

Naganap dakong 9:25 ng gabi ang ikinasang buy-bust operation sa pinagsanib puwersa ng Sampaloc Police Station at Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District.

Nasamsam ng mga alagad ng batas ang isang small, medium, at large na transparent-plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang nasa 1,125 gramo ang bigat at may Standard Drug Price na Php7,650,000.

Nakumpiska rin ang isang tunay na Php1,000 kasama ang 109 piraso ng pekeng Php1,000 na boodle money; isang bundle ng transparent plastic sachet; at isang asul na handbag.

Nahaharap ang suspek sa reklamo para sa mga paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

“Hindi titigil ang NCRPO sa ating mga programa at operasyon laban sa droga. Makakaasa ang publiko na mas paiigtingin natin ang ating pagbabantay sa bawat lansangan ng Metro Manila upang maiwasan ang paglaganap ng kriminalidad at tuluyang mapuksa ang mga ilegal na gawain,” ani RD Nartatez.

Source: RPIO NCRPO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,250SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles