Negros Occidental – Nasabat ang tinatayang Php7,561,600 na halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Silay Component City Police Station sa Mallery 2 Subd., Brgy. Rizal, Silay City, Negros Occidental nito lamang ika-28 ng Agosto, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Mark Anthony D Darroca, Acting Chief of Police ng Silay Component City Police Station, ang suspek na si Mark Villaran Y Aguilar alyas “Maco”, isang High Value Individual, 36, residente ng Antonio Luna Street, Brgy. 1, Silay City, Negros Occidental.
Ayon kay PLtCol Darroca, nakumpiska sa suspek ang sampung piraso ng knot tied ice candy wrapper transparent plastic sachets, 16 na pirasong heat-sealed transparent plastic sachet kabilang na ang buy-bust items na parehong naglalaman ng hinihinalang shabu at iba pang kagamitan.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinisiguro ng Silay City PNP na paiigtingin pa ang mga operasyon nito laban sa paglaganap ng ilegal na droga at agad na mahuli ang mga taong may pananagutan at lumabag sa batas.
###