Arestado ang 25 anyos na dayo sa Sampaloc, Manila makaraang masakote sa ikinasang buy-bust operation ng Manila Police District (MPD) Drug Enforcement Unit sa kanto ng Campa St., Corner A. Mendoza St., Brgy. 463 Sampaloc, Manila nito lamang Lunes, Enero 15, 2024.
Pinangalanan ni MPD Director Police Colonel Arnold Thomas Ibay, ang suspek na si alyas “Ali”, 25 at residente sa Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal.
Nasabat sa suspek ang dalawang plastic bag na naglalaman ng droga na tinatayang may timbang na 1 kilo at 50 gramo na nagkakahalaga ng Php7,140,000.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 Sec 5 at 11 ang suspek na kasalukuyang nakakulong sa MPD headquarters.
Sinisikap ng MPD na mas lalo pang palakasin ang mga operasyon nito sa kampanya kontra droga upang magkaroon ng isang maayos at mapayapang komunidad at di makapangbiktima ng ating mga kababayan.
Source: Police Big Brother
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos