Silay City, Negros Occidental – Tinatayang nasa 1,050 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php7,140,000 ang nasabat sa drug buy-bust operation sa Seaview, Brgy. Guinhalaran, Silay City, Negros Occidental nitong ika-22 ng Hulyo 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Antonio P Benitez Jr, Officer-in-Charge ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6, ang dalawang suspek na sina Razel Lyam Gamazan y Agora alyas “Tomboy”, 37 at si Lennie Nava y Antonio alyas “Nene”, 40, kapwa residente ng Tandang Sora, Quezon City.
Ayon kay PLtCol Benitez, nahuli ang mga suspek dakong alas 11:20 ng gabi sa pinagsanib na pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 katuwang ang Silay Component City Police Station at ang Philippine Drug Enforcement Agency 6.
Narekober sa mga suspek ang dalawang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet (buy-bust item), 29 pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na parehong naglalaman ng hinihinalang shabu, Php30,000 buy-bust money kasama ang Php100 bill na boodle money, limang pirasong Php1,000 bill na pinaniniwalaang cash proceeds, pitong pirasong Php100 bill, siyam na pirasong knot tied transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang S
Shabu na itinago sa loob ng surgical gloves at inilagay sa plastic packs ng Bear Brand milk, isang unit ng Iphone cellphone at iba pang personal na mga dokumento.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang buong himpilan ng PNP ay patuloy sa pagpapatupad ng mas painaigting pa na kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang ligtas at maayos na komunidad sa buong bansa.
###