Cebu City – Umabot sa mahigit Php7.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa buy-bust na isinagawa ng Cebu City PNP sa Phase 2B, Villa Leyson Subd. Brgy. Bacayan, Cebu City nito lamang Martes, ika-20 ng Setyembre 2022.
Kinilala ni Police Colonel Ernesto Salvador T Tagle, Acting City Director ng Cebu City Police Office, ang mga suspek na sina Rulan Mahusay Mercado, kabilang sa High Value Individual (HVI); Reynaldo Avila Ardina; at Ryan Arceo Zanoria.
Ayon kay PCol Tagle, naaresto ang mga suspek sa Phase 2B, Villa Leyson Subd. Brgy. Bacayan, Cebu City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Police Station-8, CCPO sa pangangasiwa ni Police Major Alvin U Llamedo, Station Commander.
Ayon pa rito, nakuha sa mga suspek ang 1,050.8 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php7,145,440, isang black sling bag at buy-bust money.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga naturang suspek.
Patuloy na papaigtingin ng Cebu City Police Office ang mga operasyon kontra ilegal na droga sa naturang lungsod upang makamit ang kaayusan at mapayapang pamayanan.