Thursday, January 9, 2025

Php6M unclaimed parcel na naglalaman ng marijuana, isinuko sa PNP

Isinuko ng isang forwarding company sa pulisya ang nasa Php6,120,000 kabuuang halaga ng mga unclaimed parcel na naglalaman ng mga tuyong dahon ng marijuana matapos itong madiskubre sa Barangay Pamplona Tres, Las Piñas City, bandang 9:00 ng gabi nito lamang Martes, ika-7 ng Enero 2025.

Ayon kay Police Brigadier General Manuel J Abrugena, District Director ng Southern Police District, ang operasyon ay resulta ng isang tip-off mula sa isang empleyado ng nasabing kumpanya.

Ang impormasyon ay humantong sa District Drug Enforcement Unit, na agarang rumesponde at nakipag-ugnayan sa iba’t ibang law enforcement unit, kabilang ang Regional Drug Enforcement Unit, District Intelligence Division, Station Drug Enforcement Unit ng Las Piñas City Police Station, Pamplona Sub-Station 2, ang Forensic Unit ng Southern Police District (SPD), at MPD Drug Enforcement Unit.

Natagpuan ng mga awtoridad ang limang malalaking balikbayan box na naglalaman ng 51 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may mga namumungang tuktok, na nakatago kasama ng iba pang pakete na tumitimbang ng humigit-kumulang 51 kilo.

Pahayag ni PBGen Abrugena, na isinasagawa na ang imbestigasyon sa mga unclaimed parcels, upang matukoy kung saan nanggaling ang mga parcels at kung saan ito patungo.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagtuklas ng mga parcel na ito bago makarating sa merkado, na pinipigilan ang mga ito na maibenta at maiwasan ang mga potensyal na mapaminsalang epekto ng ilegal na droga sa mga gumagamit.

Source: SPD PIO

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles