Kibungan, Benguet – Tinatayang Php6,000,000 halaga ng nadiskubreng dried Marijuana ang sinunog ng Benguet PNP sa Major Internal Security Operation sa Sitio Bitio, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang ika-15 ng Abril, 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Ronald Lee, Regional Director, Police Regional Office Cordillera, mahigit kumulang 50 kilos na dried Marijuana na nagkakahalaga ng Php6,000,000 ang nadiskubre ng 1st Benguet Provincial Mobile Force Company.
Ayon pa kay PBGen Lee, agad na sinunog ng PNP sa mismong lugar ang nadiskubreng mga dried marijuana.
Samantala, wala namang nahuling cultivator sa nasabing operasyon.
Layunin ng PNP na paigtingin pa ang kampanya kontra ilegal na droga para mabawasan ang buhay na mapapariwara dahil dito.
###
Panulat ni Patrolman Josua Reyes