Cavite ā Nasamsam ang tinatayang Php699,522 halaga ng shabu sa dalawang katao sa ikinasang buy-bust operation ng DasmariƱas City PNP nito lamang Disyembre 11, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Eleuterio Ricardo Jr, Officer-In-Charge ng Cavite Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina alyas āPanggaā at alyas āJunā, pawang residente ng Brgy. San Nicholas 1, City of DasmariƱas, Cavite.
Naaresto ang dalawang suspek sa kanilang bahay sa nabanggit na barangay ng mga operatiba ng DasmariƱas Component City Police Station at nasamsam ang isang nakataling transparent plastic sachet at dalawang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 101.38 gramo at nagkakahalaga ng Php699,522, isang Php1,000 bill bilang buy-bust money at isang itim na pouch.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o āComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002ā.
āMagtulong tulong tayo at magpatuloy sa ating mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa ating lalawigan,ā pahayag ni PCol Ricardo Jr.
Source: Cavite Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin