Thursday, April 3, 2025

Php693K halaga ng shabu, nasamsam sa buy-bust ng Makati City PNP; 2 suspek, timbog

Nasamsam ang tinatayang Php693,600 halaga ng shabu mula sa dalawang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati City Police Station nito lamang Lunes, Marso 31, 2025, sa Aranda Street, Barangay Tejeros, Makati City.

Kinilala ni Police Colonel Jean I. Dela Torre, Hepe ng Makati CPS, ang mga suspek na sina alyas “Haydo” at alyas “Rap Rap,” kapwa 37-anyos, walang trabaho, at residente ng nasabing barangay.

Sa nasabing operasyon, isang pulis na nagsilbing poseur buyer ang matagumpay na nakabili ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu mula kay alyas “Haydo.”

Nakumpiska rin ang karagdagang ebidensya kabilang ang isang knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu mula kay alyas “Haydo,” isang heat-sealed transparent plastic sachet mula kay alyas “Rap Rap,” isang Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, 79  piraso ng Php1,000 boodle money, isang cellphone, at isang itim na pouch.

Ang kabuuang timbang ng nakumpiskang shabu ay 102 gramo na may Standard Drug Price (SDP) na Php693,600.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga nadakip na suspek.

Pinuri ni Police Brigadier General Manuel J. Abrugena, District Director ng Southern Police District, ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon sa kampanya laban sa ipinagbabawal na droga. “Ang ating mga alagad ng batas ay patuloy na magpupunyagi upang mapuksa ang ilegal na droga sa ating mga komunidad. Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng ating walang sawang pagsisikap na gawing ligtas ang Makati City. Hinihikayat namin ang publiko na makiisa sa ating adhikain para sa isang drug-free na lipunan.”

Source: SPD PIO

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,480SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles