Nasamsam ng Bulacan PNP ang mahigit Php690,540 halaga ng hinihinalang shabu mula sa dalawang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bayugo, Meycauayan City, Bulacan nito lamang Enero 27, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Satrur L Ediong, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas “Michelle” at “Amino.”
Ayon kay PCol Ediong, arestado sa operasyon ng Special Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Meycauayan City Police Station ang dalawang suspek.
Nasamsam mula sa dalawang suspek ang 101.55 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang Php690,540 at iba pang non-drug evidence.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang Bulacan PNP sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa kanilang nasasakupan.