Tiaong, Quezon – Nakumpiska ang mahigit Php690,000 na halaga ng shabu sa dalawang babaeng suspek sa buy-bust operation ng kapulisan ng Quezon nitong Martes, Marso 15, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Joel Villanueva, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office ang mga suspek na sina Jocelyn Balbuena Alcuran, alias Jocelyn, 35, residente ng Sitio Bakahan, Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon at Eva Gomez, 45, residente ng Malabon Subdivision, Brgy. Lumingon, Tiaong, Quezon.
Ayon kay Police Colonel Villanueva, bandang 11:53 ng gabi naaresto ang dalawang suspek sa Sitio Bakahan, Brgy Lalig, Tiaong, Quezon ng mga operatiba ng Tiaong Municipal Police Station.
Ayon pa kay Police Colonel Villanueva, nakuha mula sa mga suspek ang siyam na pirasong heat-sealed na may kabuuang timbang na 33.91 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng Php691,764, isang maliit na black pouch at isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Ang dalawang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay lalo pang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at mga krimen para manatiling ligtas at maayos ang komunidad.
###
Police Executive Master Sergeant Joe Peter V Cabugon
Saludo tayo s mga pulis sana lahat mhuli na