Tinatayang nasa Php68 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mag-asawang tulak ng droga sa PNP buy-bust nito lamang Martes, Hunyo 14, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Roque Eduardo DP Vega, Regional Director ng Police Regional Office 7, ang mag-asawang suspek na sina Cornelio Baron, 39 at Jacquelin Baron, 49, parehong residente ng San Carlos City, Negros Occidental.
Ayon kay PBGen Vega, naaresto ang mga suspek bandang 9:00 ng gabi sa J. Alcantara St., Brgy. Sambag 1, Cebu City ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 7 at Philippine Drug Enforcement Agency 7.
Ayon pa kay PBGen Vega, nakuha sa mga suspek ang 10 packs na tumitimbang sa hindi bababa sa 10 kilos ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php68,000,000.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
Samantala, pinuri naman ni PBGen Vega ang matagumpay na operasyon at pagkakadakip sa mga suspek at sa patuloy nitong paglaban kontra ilegal na droga sa Rehiyon Siete.
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio