Albay – Tinatayang Php68,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang lalaki na kabilang sa listahan ng High Value Individual (HVI) sa inilunsad na buy-bust operation ng pinagsamang operatiba ng PRO5 sa Barangay San Rafael, Guinobatan, Albay nito lamang Abril 18, 2023.
Kinilala ni PLtCol Heryl Bruno, Acting Chief ng PDEG SOU5, ang arestado sa alyas “Benladen”, 64, byudo at residente ng Sitio Basud, Barangay San Rafael, Guinobatan, Albay.
Ayon kay PLtCol Bruno, bandang 4:15 ng hapon ng isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na mga operatiba ng PDEG SOU5 (lead unit), Guinobatan MPS, RMFB 5, RIU 5 (Intel support), RPDEU Team Albay at Albay 1st PMFC sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO5.
Nakumpiska mula sa suspek ang 10 gramo ng pinaniniwalaang shabu na may street value na Php68,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng walang tigil at mas pinaigting na kampanya ng PNP Bicol kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at gawing drug free ang rehiyon mula sa ipinagbabawal na gamot.
Source: PNP Deg Sou V