Nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Lanao del Norte Police Provincial Office, kaisa ang Tubod Municipal Police Station at PDEA Operatives ang tinatayang Php688,160 halaga ng shabu sa Sitio Tipolo, Bulod, Tubod, Lanao del Norte noong ika-4 ng Abril 2025.
Ayon kay Police Colonel Roy A Magsalay Provincial Director, ng Lanao del PPO, ang suspek ay kinilalang si alyas “Orak”, newly identified drug personality, 43 anyos at residente ng Mindalano, Salvador, Lanao del Norte.
Nakumpiska kay “Orak” ang 101.20 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng Php688,160, at iba pang mga drug paraphernalia.
Patuloy ang Lanao del Norte PNP sa pagsugpo ng ilegal na droga sa probinsya para sa mas tahimik at maunlad na Lanao del Norte.