Cavite – Tinatayang nasa Php686,550 na halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng Dasmariñas City Drug Enforcement Unit sa Brgy. Paliparan 2, Dasmariñas City, Cavite bandang 12:20 ng madaling araw nito lamang Miyerkules, Marso 1, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Juan Oruga Jr, Acting Chief of Police ng Dasmariñas City Police Station, ang suspek na sina alyas “Good”, 28 residente ng Sitio Rustan A. Brgy. Langgam, San Pedro, Laguna at alias “Rachelle”, 17 residente ng Gonzales Compound, Sitio Pulo, Biñan, Laguna.
Narekober sa dalawang suspek ang isang knot-tied transparent plastic bag na naglalaman ng dalawang pirasong heat-sealed plastic sachets na hinihinalang shabu na tumitimbang ng 99.50 gramo na nagkakahalaga ng Php686,550, isang pirasong Php500 bill at isang isang Php100 bill na ginamit bilang buy-bust/marked money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang Dasmariñas PNP sa pagsasagawa ng mas pinalakas at walang patid na kampanya laban sa ilegal na droga sa tulong at suporta ng mamamayan upang mapanatili na ligtas at maayos ang komunidad.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A