Cagayan de Oro City – Tinatayang Php680,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang arestadong suspek sa buy-bust operation ng kapulisan ng Cagayan de Oro City nitong Biyernes, Abril 1, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Benjamin Acorda Jr, Regional Director ng Rehiyon 10 ang mga naaresto na sina Alvin Corpuz, 43, residente ng Kisanlu Subdivision, Iponan, Cagayan de Oro City at Charles Eduard Duca, residente ng Orion Terry Hills, Bulua, Cagayan de Oro City.
Ayon kay PBGen Acorda, naaresto ang dalawang suspek sa Block 29, Lot 18, Kisanlu Subdivision, Iponan, Cagayan de Oro City sa buy-bust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit 10.
Nakumpiska ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 100 gramo at nagkakahalaga ng Php680,000.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Lahat ng mga accomplishment ng Police Regional Office 10 ay hindi lang po dahil sa aming patuloy na pagsisikap na labanan ang kriminalidad. Ito po ay resulta at patunay ng ating pagtutulungan upang tuluyang sugpuin ang ilegal na droga. Nagpapasalamat ako sa ating komunidad sa patuloy at walang sawa na magbigay ng tulong sa ating mga pulis. With everybody’s effort and collaboration, sana patuloy ang suporta ng lahat para mapanatili natin ang kapayapaan dito sa Northern Mindanao”, dagdag pa ni PBGen Acorda.
###
Panulat ni Patrolman Joshua C Fajardo, RPCADU 10
Good job husay tlga slamat s mga alagad ng batas