Angeles City – Nasabat ang Php680,000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska at isang dayuhan ang arestado ng Angeles City PNP matapos ikinasa ang buy-bust operation sa Brgy. Sapangbato, Angeles City nito lamang Linggo, ika-16 ng Hulyo 2023.
Kinilala ang suspek na si alyas “Liu Yang”, 32, isang High Value Individual, Chinese National, kasalukuyang residente ng Clark Korean Community, Clark Hills, Clark Freeport Zone, Mabalacat City, Pampanga.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ni Police Major Christopher Lalic, Station Commander ng Angeles City Police Station 5.
Nakumpiska ang kabuuang Php680,000 halaga ng ilegal na droga na may bigat na 100 gramo, siyam na pirasong boodle money, isang pirasong Php1,000 bill na pre-marked money at isang metallic gray na BMW Sedan na may plakang TJO 213.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang pagpapaigting ng Angeles City PNP sa pangangampanya laban sa ilegal na droga upang mas mapababa ang demand ng droga sa kanilang nasasakupan.
Source: Angeles City Police Station 5
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera/RPCADU3