Nagsagawa ng buy-bust operation ang Southern Police District Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang High Value Individual dakong 7:45 ng gabi sa Barangay 125, Pasay City nito lamang ika-1 ng Agosto 2024.
Ayon kay Police Brigadier General Leon Victor Rosete, District Director ng SPD, nadakip sa operasyon ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Techi”, babae, 40, at alyas “Ronnie”, 41.
Parehong may mga naunang kaso tulad ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Nakumpiska sa dalawa ang knot-tied transparent plastic packs at isang heat-sealed plastic sachet, na pawang naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 102 gramo at tinatayang may street value na Php680,000, isang Php500 bill, dalawang Php1,000 boodle money, at isang cellular phone.
Paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.
Patuloy naman sa pagbibigay paalala ang Pambansang Pulisya na papatawan ng kaukulang kaparusahan ang lahat ng mga sindikato ng ilegal na droga sa bansa.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos