Nasabat ng Pampanga PNP ang malaking halaga ng shabu sa tatlong suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Del Pilar, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Lunes, ika- 6 ng Enero 2025.
Kinilala ang naarestong suspek na sina alyas “Rogie”, 43 anyos; alyas “Carbon”, 28 taong gulang; at alyas “Jaina”, 50 taong gulang.
Naging matagumpay ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Intel/Station Drug Enforcement Unit, City of San Fernando Police Station at Regional Intelligence Unit 3 sa nasabing operasyon.
Nasabat mula sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 100 gramo at may Standard Drug Price na Php680,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang Pampanga PNP ay walang tigil sa pagsawata at pagpapaigting ng kampanya laban sa mga gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga para masiguro ang kaayusan sa kanilang nasasakupan tungo sa maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Marimar Junio