Zamboanga City – Tinatayang Php680,000 halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang suspek sa buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit 9 at Zamboanga City PNP nito lamang Linggo, Agosto 28, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Van Froilan Tompong, Officer-In-Charge ng Regional Drug Enforcement Unit 9, ang dalawang suspek na sina Abdulmain Saddam y Panduga alyas “Tam”, 32, may asawa, driver, at Julkaib Alkama y Pula alyas “Prim”, 25, may asawa, driver at pawang residente ng Brgy. Talon-talon, Zamboanga City.
Ayon kay PLtCol Tompong, bandang 7:53 ng gabi nang nahuli ang dalawang suspek sa Purok 1, Brgy. Sinunuc, Zamboanga City ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit 9 at Zamboanga City 2nd Mobile Force Company “Seaborne”.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang dalawang pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 100 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php680,000, isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang marked money at isang bundle ng 69 pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang bogos/fake
money at isang sling bag na may kulay red/blue combination.
Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad para sa mas mapayapa at ligtas na komunidad.
Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9