Camaman-an, Cagayan de Oro City – Tinatayang nasa Php680,000 halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit 10 nito lamang Huwebes, Setyembre 8, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Lawrence Coop, ang dalawang suspek na sina Ronald T. Marasigan, 37, residente ng Phase 1A, Upper Camaman-an, Cagayan de Oro City at Jhon Christopher D. Villasan, 21, residente ng Purok 1A, Gusa, Cagayan de Oro City kapwa kabilang sa Directorate for Intelligence (DI) watch list.
Ayon kay PBGen Coop, naaresto ang dalawang suspek sa Block 4, Lot 13, Macapaya, Phase 1A, Upper Camaman-an, Cagayan de Oro City ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit 10.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang walong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 100 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php680,000, isang blue/green box improvised case, isang dark green sling bag, isang kulay blue realme touchscreen cellphone with casing, isang brown leather pouch at isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“The enthusiasm and dedication of the men and women of PRO10 are signs of their steadfast effort in apprehending drug peddlers in their respective areas of responsibility.
Again, hindi ako mapapagod na sabihin na hindi tayo hihinto sa ating kampanya laban sa ilegal na droga hangga’t hindi po makukulong ang mga nagbebenta at gumagamit nito. We will not stop”, pahayag ni PBGen Coop.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10