Quezon City — Tinatayang nasa Php680,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Batasan Police Station 6 ng QCPD nito lamang Huwebes, Nobyembre 24, 2022.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen Nicolas Torre III, ang suspek na si Mark Arthur Mendoza, 32, residente ng Brgy. Culiat, Quezon City.
Ayon kay PBGen Torre lll, dakong 3:30 ng madaling araw nang maaresto si Mendoza sa kahabaan ng Commonwealth Ave., Brgy. Old Balara, Quezon City ng mga operatiba ng Batasan PS 6 at PDEA-NCR.
Ayon pa kay PBGen Torre lll, napag-alaman ang ilegal na aktibidad ng suspek dahil sa sumbong ng isang confidential informant. Dito na isinagawa ang isang undercover operations kung saan may nagpanggap na buyer at bumili ng Php130,000 halaga ng shabu.
Nakumpiska mula sa suspek ang humigit kumulang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php680,000, isang weighing scale, isang cellular phone, isang itim na Mio Sporty Yamaha motorcycle, at ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon.
Paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.
Pinuri naman ni PBGen Torre III ang mga operatiba sa kanilang walang humpay na anti-illegal drugs operations na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakakumpiska ng mga ilegal na droga.
“Patuloy na nagsisikap ang Team QCPD upang tuluyang masupil ang paglaganap ng droga dito sa ating Lungsod at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad,” ani pa ni PBGen Torre III.
Source: Qcpd Pio
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos