Cagayan de Oro City – Tinatayang Php680,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit 10 sa San Agustin Valley Homes, Brgy. Carmen, Cagayan de Oro City at Brgy. Gracia, Tagoloan Misamis Oriental nito lamang Sabado, Agosto 6, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Benjamin Acorda Jr, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga suspek na sina Norbert C. Bantoc, 35, residente ng Purok 3, Puerto, Cagayan de Oro City; Ruvic C. Gumahin, may-asawa, 37, residente ng North Park Area, Wao, Lanao del Norte; at Noel C. Cabillo, may-asawa, 38, residente ng Tuburan 1, Poblacion 1, Villanueva, Misamis Oriental, at ang tatlong suspek ay kabilang sa listahan ng Directorate for Intelligence (DI) watchlist.
Nasamsam kay Bantoc ang anim na pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 50 gramo na may tinatayang nagkakahalaga ng Php340,000, isang mobile phone at isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Narekober naman kina Gumahin at Cabillo ang pitong pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 50 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php340,000, isang mobile phone, at isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Sunod-sunod ang ating mga accomplishments, like every day meron tayong naaaresto na mga illegal drug users at meron ding narerekober na mga droga ang ating kapulisan. All of these are manifestations that we do not give up in fighting illegal drugs, in fact we are more driven to capture those drug peddlers to end or at least minimize the proliferation of illegal drugs in the region. We will not stop until we all attain a drug-free community in Northern Mindanao,” pahayag ni PBGen Acorda.
###
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10