Nasabat ng kapulisan ng Cebu City ang Php680,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa U. Alviola St., Villagonzalo, Barangay Tejero, Cebu City, noong ika-1 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Colonel Enrico E Figueroa, City Director ng Cebu City Police Office, ang dalawang suspek na sina alyas “Kla-kla”, 26-anyos, residente ng Sitio Vilgon, Barangay Tejero, Cebu City at alyas “Cherry”, 24-anyos, residente ng U. Alviola St., Barangay Tejero, Cebu City,
Bandang alas 5:00 ng hapon ng ikinasa ng kapulisan ang naturang buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek at pagkasabat ng 14 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 100 gramo at may Standard Drug Price na Php680,000, at buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang kapulisan ng Cebu City ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra iligal na droga. Ito ay alinsunod sa pangunahing prayoridad ng pamahalaan na labanan ang mga sindikato ng droga sa pamamagitan ng pagpigil sa kanilang mga iligal na aktibidad at pagbuwag sa kanilang mga operasyon.
Source: CCPO SR