Barangay 176, Caloocan City — Tinatayang nasa Php680,000 halaga ng shabu ang nasabat sa buy-bust operation ng Caloocan City Police Station nito lamang Huwebes, Hunyo 23, 2022.
Kinilala ni PBGen Ulysses Cruz, Northern Police District Director, ang dalawang suspek na sina Raymond S. Ejara, 36, residente ng Barangay 176 Bagong Silang, Caloocan City, at Arlene Gaspang, 24, residente ng National Highway, Cabuyao, Banaybanay, Laguna.
Ayon kay PBGen Cruz, naaresto sina Ejara at Gaspang bandang 1:30 ng hapon sa kahabaan ng Phase 8B, Kaagapay Road, Barangay 176, Lungsod ng Caloocan sa pinagsanib pwersa ng DEU ng Caloocan CPS at 6th MFC RMFB-NCRPO.
Narekober mula sa mga suspek ang apat na piraso ng medium heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit kumulang 100 gramo at may DDB Value na Php680,000, isang Php500, tatlungpu’t pitong piraso na Php1,000 na boodle money, at isang Cal .38 pistol na may tatlong live ammunition.
Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Sec. 5 (Sale of Dangerous. Drugs), Sec. 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II sa ilalim ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Pinanindigan naman ni PBGen Cruz na ang PNP ay lalo pang magpupursige sa kanilang ginagampanang tungkulin upang puksain ang talamak na bentahan ng ilegal na droga sa bansa.
SOURCE: NPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos