Caloocan City — Nasa Php680,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang suspek sa buy-bust operation ng Caloocan City Police Station nito lamang Huwebes, Mayo 19, 2022.
Kinilala ni PBGen Ulysses Cruz, District Director ng Northern Police District, ang suspek na si Roge Ann Gonzales y Manuel alyas “Gian”, residente ng 3rd Avenue, Barangay 120, Lungsod ng Caloocan.
Ayon kay PBGen Cruz, naaresto si Gonzales bandang 10:20 ng gabi sa kahabaan ng BMBA Compound, 3rd Ave., Barangay 120, sa parehong Lungsod ng Station Drug Enforcement Unit ng Caloocan City Police Station, at 6th MFC RMFB-NCRPO.
Ayon pa kay PBGen Cruz, nakumpiska mula kay Gonzales ang tatlong medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman umano ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 100 gramo na nagkakahalaga ng Php680,000; isang tunay na Php1,000 na may kasamang 39 na piraso ng Php1,000 fake/boodle currency na ginamit bilang buy-bust money; at isang maliit na pulang pitaka.
Mahaharap si Gonzales sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay patuloy na pupuksahin ang talamak na bentahan ng ilegal na droga upang makamit ang drug free na bansa at magkaroon ng ligtas na pamayanan.
Source: NPD-PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos