Maguindanao – Nakumpiska ang Php680,000 na halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng PNP sa Brgy. Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao noong Setyembre 29, 2022.
Kinilala ni PLtCol Erwin Tabora, Chief of Police, Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Sammy” na residente ng Kabuntalan, Maguindanao.
Ang nakumpiskang shabu ay resulta ng pinagsanib na pwersa ng DOS MPS, Regional Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division, Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, Provincial Intelligence Unit MAGPPO, 1402nd Regional Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 14 at Kabuntalan MPS.
Ayon sa report ay nagpanggap na poseur buyer ang isa sa mga operatiba at nang namataan ng suspek na pulis ang kanyang katransaksyon ay tumakbo ito at tumalon sa ilog dahilan sa kanyang pagkakatakas.
Samantala, nakumpiska ang dalawang pakete ng shabu na may timbang na 100 gramo na nagkakahalaga ng Php680,000.
Ang nakuhang ebidensya ay pansamantalang dinala sa DOS MPS para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
Ang buong pamunuan ng PRO BAR ay walang humpay sa paglaban sa ilegal na droga at papanatilihin ang agresibong pagbibigay ng magandang serbisyo para malabanan ang paglaganap ng ilegal na droga sa rehiyon ng Bangsamoro.
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia