ParaƱaque City ā Umabot sa Php680,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang lalaking High Value Individual sa isinagawang buy -bust operation ng ParaƱaque City Police Station nito lamang Sabado, Setyembre 16, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Roderick Mariano, District Director ng Southern Police District, ang nadakip na suspek na si alyas “Camsa”, 33 taong gulang.
Nangyari ang nasabing operasyon sa pangunguna ng ParaƱaque City Police Station – SDEU, dakong alas-4:20 ng hapon sa kahabaan ng Filipinas Ave, UPS 5 Brgy. San Isidro, ParaƱaque City.
Sa operasyon, nasamsam kay alyas “Camsa” ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na tinatayang may bigat na humigit kumulang 100 gramo at nagkakahalaga ng Php680,000; isang tunay na Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money at isang asul na coin purse.
Reklamong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng nasabing suspek.
Patuloy naman ang kapulisan ng Southern Metro sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra sa anumang uri ng kriminalidad sa lugar upang makamtan ang mapayapa at ligtas na komunidad.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos