Nakumpiska ang Php680,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang joint buy-bust operation sa Zone 6, Balitae St. Bugo, Cagayan de Oro City nito lamang Pebrero 18, 2025.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ng mga operatiba ng RPDEU 10, RIU 10, at PDEA Misamis Oriental.
Ayon kay Police Colonel Salvador N Radam, City Director ng Cagayan de Oro City Police Office, kinilala ang suspek na isang alyas “Eboy”, 36 anyos, isang laborer at residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 100 na gramo at may Standard Drug Price na Php680,000, isang Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money at iba pang mga paraphernalia.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagpapaigting kontra iligal na droga para sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan ng nasasakupan.