Batangas City– Tinatayang Php680,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek sa buy-bust operation ng Batangas PNP nito lamang Sabado, Mayo 14, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Antonio Yarra, Regional Director ng Police Regional Office 4A, ang suspek na si John Christopher Oliver Abulencia, alyas “Ian”, 34 at residente ng Blk 3 L5 Console I, Pisces St. Brgy. San Lorenzo Ruis, San Pedro, Laguna.
Ayon kay PBGen Yarra, bandang 7:45 ng gabi naaresto ang suspek sa Brgy. Balagtas, Batangas City ng mga operatiba ng Batangas Provincial Drug Enforcement Unit at Batangas City Police Station.
Ayon pa kay PBGen Yarra, nakuha sa suspek ang dalawang piraso ng big heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 100 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php680,000; isang pirasong brown paper bag; buy-bust money na Php200,000; isang unit na OPPO android phone, isang gray body bag at pera na Php350.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Pinupuri ko ang ating mga operatiba sa kanilng pagsusumikap para mapigilan ang mga indibidwal na ito sa pagpapakalat ng ipinagbabawal na droga. At sa mga magtatangkang magpuslit nito ay hindi namin kayo tatantanan. Muli, kami ay nakikiusap sa ating mga kababayan na huwag po kayong mag-atubili na magreport sa inyong kapulisan, magtulungan po tayo upang tuluyan ng matuldukan ang problema sa ilegal na droga,” saad ni PBGen Yarra.
Source: Police Regional Office 4A
###
Police Executive Master Sergeant Elvis Arellano/RPCADU 4A