Nasabat sa isinagawang anti-criminality operation ng mga operatiba ng Intelligence Section ng Muntinlupa City Police Station ang tinatayang Php680,000 halaga ng shabu at hindi lisensyadong baril sa isang taxi driver sa Old City Terminal, Barangay Alabang, Muntinlupa City nito lamang Huwebes, Enero 2, 2025.
Kinilala ni Police Brigadier General Manuel J Abrugena, District Director ng Southern Police District, ang nadakip na suspek na si alyas “Esteban”, 44 anyos.
Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php680,000 kasama ang isang .38 caliber revolver at apat na mga bala.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
“Ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita ng aming patuloy na pangako sa pag-aalis ng mga iligal na droga at pag-alis ng mga hindi lisensyadong baril sa aming mga komunidad. Kami ay mananatiling walang humpay sa aming mga pagsisikap na matiyak ang kaligtasan ng aming mga mamamayan,” ani ni PBGen Abrugena.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos