Caloocan City – Tinatayang Php680,000 halaga ng shabu at baril ang nakumpiska sa tatlong suspek sa buy-bust ng Northern Police District nito lamang Sabado, Marso 26, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr., District Director ng Northern Police District ang mga suspek na sina Resty Macalansag y Baitiong alyas “Resty” (HVI), 38; Jasmin Tayao y De Guzman, alyas “Jasmin”, 31; pawang mga residente ng Caloocan City at Marlou Sidillo y Solas alyas “Along” (HVI), 29, kasalukuyang naninirahan sa Road 5, Reyes Compound, Marulas, Valenzuela City.
Ayon kay PBGen Hidalgo Jr, bandang 2:30 ng madaling araw naaresto ang mga suspek sa Tupda St., corner Julian Felipe St., Barangay 8, Caloocan City ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit -NPD at PDEA.
Ayon pa kay PBGen Hidalgo Jr, nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit kumulang 100 grams ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na Php680,000, isang yunit ng Caliber 25 pistol na may kasamang isang Magazine na may dalawang bala, isang black belt bag, isang leather holster, at 28 piraso ng Php1000 na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang sunod sunod na operasyon ng NPD ay parte ng bagong bersyon ng kampanya kontra ilegal na droga ng ” fights against drugs ” ng ADORE o Anti-Illegal Drugs Operations thru Reinforcement and Education.
###