Davao City – Tinatayang Php680,000 halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa isang suspek sa paghahain ng Search Warrant ng Talomo Police Station sa Del Carmen Seaside 2, Matina Aplaya, Davao City, noong Mayo 20, 2022.
Kinilala ni PMaj Noel Villahermosa, Chief of Police ng nasabing istasyon ang suspek na si alyas Estrada/Boss/Jojo, 45, residente ng nasabing lugar at hinihinalang supplier ng ilegal na droga sa lugar.
Ayon kay PMaj Villahermosa, nakuha mula sa suspek ang ilang piraso ng pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 3 gramo at marijuana na may bigat na humigit kumulang 4 na kilo na may tinatayang street market value na Php680,000 at mga parapernalya.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng nasabing istasyon upang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagkakadakip ng suspek ay malaking tulong sa Police Regional Office 11 upang maabot ang layunin na gawing Drug free ang Rehiyon Onse sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara