Thursday, September 19, 2024

Php680K halaga ng droga, nasabat sa buy-bust ng Iriga PNP

Kalaboso ang dalawang drug watchlist High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng Iriga PNP at nakumpiska ang tinatayang Php680,000 halaga ng shabu sa Barangay San Isidro, Iriga City, Camarines Sur nito lamang Hulyo 20, 2024.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Disyo”, 45 anyos, may asawa at “Inky”, 44 anyos, may kinakasama at parehong mga residente ng Barangay Hobo, Minalabac, Camarines Sur.

Bandang 1:24 ng hapon ng isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na mga operatiba ng Iriga CPS, Camarines Sur PPDEU at 501st RMFB5 sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO5.

Nakumpiska sa mga suspek ang 100 gramo ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng Php680,000.

Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Puspusan naman ang Camarines Sur PNP sa pagsagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga upang masiguro ang kapayapaan at kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan tungo sa isang drug free na probinsya.

Source: Iriga CPS Csppo

Panulat ni Pat Rodel Grecia

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles