Lucena City – Nasamsam ang tinatayang Php663,612 halaga ng shabu sa isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng Lucena City PNP nito lamang Oktubre 13, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Cha’’, HVI, babae.
Naaresto ang suspek sa Brgy. Mayao Crossing, Lucena City sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Lucena City Police Station.
Nasamsam sa suspek ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang Php663,612, isang pouch at Php11,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ito ay bunga ng malalimang imbestigasyon ng ating kapulisan sa mga nagdaang kaparehas na police operation upang malinis natin ang ating lalawigan sa ilegal na droga,” ani PCol Monte.
Source: Quezon Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin