Davao City – Tinatayang aabot sa Php640,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Purok 46 Brgy. Kapundok Ma-a, Davao City noong Hulyo 3, 2023.
Kinilala ni Police Major Ma. Teresita Gaspan, Station Commander ng Ma-a Police Station, ang suspek na si alyas “Vincent”, 38, residente ng Brgy. Kapundok Ma-a, Davao City na tinaguriang Top 8 High Value Target sa Regional level.
Ayon kay PMaj Gaspan, naaresto ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang tauhan ng Ma-a PNP at Davao City Police Office 1st City Mobile Force Company katuwang ang PDEA XI.
Dagdag pa ni PMaj Gaspan, nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang na 40 gramo na may street market value na Php640,000 at marked money na ginamit sa operasyon.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa sa nasabing suspek.
Malaking kabawasan sa hanay ng paglaganap ng ilegal na droga ang matagumpay na pagkakadakip sa suspek, ito ay naging posible sa tulong ng mga mamamayan sa kapulisan.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara