Benguet – Tinatayang nasa Php620,000 halaga ng marijuna ang nadiskubre ng mga awtoridad sa apat na plantasyon ng marijuana sa Sitio Culiang, Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang Abril 23, 2023.
Sa unang plantasyon ay nadiskubre ang 3 kilos na dried marijuana stalks na may Standard Drug Price na Php360,000.
Sa pangalawang plantasyon naman ay may 100 piraso ng fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng Php20,000.
Sa pangatlong plantasyon ay may 600 pirasong fully grown marijuana plants na nagkakahalaga naman ng Php120,000.
At sa pang-apat na plantasyon ay may 600 piraso ng fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng Php120,000.
Sa kabuuan ay nasa 1,300 piraso ng fully grown marijuana plants na may Standard Drug Price na Php620,000 ang binunot at sinunog ng mga operatiba sa nasabing operasyon.
Samantala, wala namang nahuli na marijuana cultivator sa nasabing operasyon.
Ang Benguet PNP katuwang ang ibang sangay na ahensya ng pamahalaan ay patuloy sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga para sa kaayusan at ligtas na pamumuhay sa buong probinsya.