Narekober ang Php612,000 halaga ng shabu at mga baril sa ikinasang search warrant operation ng pulisya sa Barangay Sto. Domingo, Iriga City, Camarines Sur nito lamang Setyembre 3, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Bataw”, 52 anyos, may asawa, isang pintor at residente ng Barangay Sto. Domingo, Iriga City, Camarines Sur.
Bandang 2:00 ng hapon ng isinilbi ang search warrant ng pinagsanib na mga operatiba ang Iriga City Police Station kasama ang Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Intelligence Unit – Camarines Sur.

Nakuha mula sa operasyon ang 90 gramo ng shabu na may street value na Php612,000 at isang .22 revolver na kargado ng limang bala.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Walang humpay ang operasyon na isinasagawa ng kapulisan upang maging payapa ang komunidad dahil dito sa Bagong Pilipinas ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Source: Iriga City Police Station Csppo
Panulat ni Pat Rodel Grecia