Nasabat ang tinatayang Php603,000 halaga ng smuggled na petrolyo at nakumpiska ang dalawang bankang de-motor sa isinagawang magkahiwalay na seaborne operation sa Barangay Lamion, Bongao, Tawi-Tawi nito lamang ika-11 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Captain Norman Paul Duaso, Station Commander ng 1st Special Operation Unit ng Tawi-Tawi Maritime Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “King”, alyas “Jun”, alyas “Alex”, at alyas “Allan”.
Naging matagumpay ang ikinasang seaborne operation ng mga tauhan ng 1st SOU Tawi-Tawi MARSPTA nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakakumpiska ng tinatayang Php603,000 halaga ng smuggled na petrolyo at nakumpiska ang dalawang bankang de-motor na nagkakahalaga ng Php350,000 ang bawat isa.
Mahaharap sa kasong Republic Act 10863 o “Customs Modernization and Tariff Act” ang mga suspek.
Patunay naman na ang PNP Maritime Group ay patuloy na gagampanan ang sinumpaang tungkulin sa pagpapatupad sa paglaban sa smuggling at pagpapanatili ng seguridad sa mga hangganang pandagat sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas para sa maayos at mapayapang bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya