Friday, March 7, 2025

Php600K halaga ng marijuana nakumpiska sa buy-bust ng Makati PNP, 2 arestado

Makati City – Tinatayang nasa Php600,000 halaga ng marijuana ang nakumpiska sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Makati City Police Station nito lamang Lunes, Setyembre 26, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Kirby John Kraft, Acting District Director ng SPD, ang mga suspek na sina Edselito Montilla y Rein alyas “Bentot”, binata, 24, at Ralph Banaag y Lagda alyas “Beb”, 23, pawang mga residente ng Makati City.

Ayon kay PCol Kraft, bandang 3:40 ng hapon naaresto sina Montilla at Banaag sa Block 160 Lot 07 Water Lily St. Brgy Rizal, Makati City ng mga operatiba ng Makati CPS.

Narekober sa kanila ang limang bloke ng hinihinalang pinatuyong marijuana na nakabalot sa transparent plastic cling wrap na humigit kumulang limang kilo at may Standard Drug Price na Php600,000, Php1,000 na buy-bust money, Php31,000 na boodle money, J&T express plastic bag at brown anello bag.

Sinampahan ang mga suspek ng paglabag sa Section 5 at 11 Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang ang mga nakuhang bloke ng hinihinalang marijuana ay itinurn-over sa forensic laboratory para sa kaukulang pagsusuri.

“Pinupuri ko ang mga tauhan ng SPD Makati City Police Station sa matagumpay na pagsasagawa ng intelligence-driven na buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na ito at pagkumpiska ng maraming bloke ng hinihinalang marijuana. Sa katunayan, sinalamin nila ang aming kampanya na tinawag na S.A.F.E. Nais naming tiyakin na ang NCRPO ay Nakita, Napahalagahan, at Nararamdaman sa paghahatid ng pambihirang serbisyo ng pulisya,” ani ni PBGen Estomo.

Source: PIO_NCRPO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,450SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles