Caloocan City – Tinatayang Php6.9 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang babae sa ginawang buy-bust ng mga alagad ng batas, nito lamang Miyerkules, March 16, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jose Hidalgo, Jr, District Director ng Northern Police District ang suspek na si Charlene Nworisa y Zabala, residente sa Villa Crystal Phase 1, Bagumbong Dulo, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Hidalgo, Jr, bandang 6:35 ng gabi naaresto si Nworisa sa Villa Crystal, Brgy. Bagumbong, Caloocan City sa pinagsanib puwersa ng PDEA RO 3, PDEA Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, PDEA Region 3 RSET, PDEA-NCR NDO, PNP-Caloocan CPS Congressional Police Sub-Station 9, PNP-DEG SOU3, PNP-AVSEU3 at Bureau of Customs, Port of Clark.
Ayon pa kay PBGen Hidalgo, Jr nakumpiska sa suspek ang humigit-kumulang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php6,900,000 at Barangay ID.
Mahaharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Tiniyak ni PBGen Hidalgo, Jr na walang makakalusot sa kanilang hanay lalo na sa krimen na sangkot ay ilegal na droga.
Dagdag pa nya, paiigtingin din ang koordinasyon at ganap na ipapatupad ang kanilang mga mandato laban sa ilegal na droga.
###
Galing at husay ng mga kapulisan sana mahuli n lahat