San Mateo, Rizal – Tinatayang Php6,979,520 halaga ng shabu ang nasabat sa magkapatid sa isinagawang buy-bust operation ng Rizal PNP sa Brgy. Gulod Malaya, San Mateo, Rizal nito lamang Lunes, Setyembre 26, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jose Melencio C Nartatez Jr, Regional Director, Police Regional Office 4A, ang magkapatid na sina Diadema Babasa Y Cielo alyas “Kikay”, 56, walang asawa, walang trabaho, High Value Individual, residente ng #125 Valley View, Brgy. Gulod Malaya, San Mateo, Rizal at Betty Babasa Y Cielo alyas “Bet”, 45, may live-in partner, walang trabaho, residente ng #31 Rozal Street, Brgy. Gulod Malaya, San Mateo, Rizal.
Ayon kay PBGen Nartatez Jr, bandang 8:00 ng gabi naaresto ang magkakapatid ng mga operatiba ng San Mateo Police Station at Rizal Intelligence Unit.
Narekober sa mga suspek ang isang bulto at walong pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 1.0264 kilo na nagkakahalaga ng Php6,979,520, isang maliit na weighing scale, isang asul na lighter, isang stainless na gunting, tatlong pirasong Php500 bill, isang multi-colored coin purse, isang transparent plastic bag, isang Chinese character design na bag, isang asul na sling bag, at talong pirasong Php1,000 bill bilang buy-bust money.
Nahaharap ang magkapatid sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article ll ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy na paiigtingin ng Rizal PNP ang kampanya laban sa ilegal na droga para mahuli ang mga nagbebenta at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot para mapanatiling ligtas, tahimik at maayos ang komunidad.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin