Makati City — Tinatayang 6.8 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat sa buy-bust ng Makati City Police Station na humantong sa pagkaaresto sa dalawang High Value Individuals at pag-rescue sa isang menor de edad nitong Miyerkules, Hulyo 6, 2022.
Kinilala ni Makati Chief Police Colonel Harold Depositar, ang mga suspek na sina Moda Mimbalawag y Rinandang alyas “Moda”, 60; Aslanie Mimbalawag y Rinandang alyas “Aslani,” college student, 23; at alyas Abdul (CICL), 16, school student, pawang mga residente ng Imus, Cavite.
Ayon kay PCol Depositar, nahuli ang mga suspek sa kahabaan ng Kalayaan Ave. Barangay West Rembo, Makati City bandang alas-11:13 ng gabi ng Drug Enforcement Unit ng Makati CPS.
Narekober sa mga suspek ang isang sealed transparent plastic pack labeled with Very Good na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 1000 gramo, Php1,000 buy-bust money, Php999,000 boodle money, dalawang paper bags, one unit Toyota Fortuner with plate no. DAH9149, one Toyota Fortuner remote key at one keypad cellular phone.
Dinala sa DSWD ang nareskyung menor de edad samantala ang dalawang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5, 13 and 26 sa ilalim ng Art. II ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Binati naman ni SPD Director, PBGen Macaraeg ang mga nanguna sa operasyon, aniya, “Binabati ko ang Makati police sa pagkahuli ng mga High Value Target na ito at pagkakumpiska ng mahigit Php6 milyong halaga ng shabu. Nakakalungkot isipin na isang menor de edad ang nasangkot na sa ilegal na gawain katulad nito gayunpaman, kailangan nating ipatupad ang batas. Mananatili po ang aming mahigpit na kampanya laban sa ilegal na droga at pagsasagawa ng mga operasyon nang sa gayon ay aming mapigilan ang talamak na pagbebenta ng mga ilegal na droga sa ating nasasakupan.”
Source: PIO SPD
###
Panulat ni PCpl Jhoanna Marie Najera-Delos Santos